Nung una ayokong basahin ang librong ito ni Master Ramon. Hindi ko pinapansin nun ang videos nya sa youtube. Hindi ko ni-like ang facebook nya, di din ako follower sa twitter nya at hindi ko ni minsan sinubukang bisitahin ang formspring profile nya. 
Inii-iwasan kong ma-basa, marinig at malaman ang katotohanang pinilit kong ginawang sinungaling dahil masakit. Ayan emo na ako.
Peru sa totoo lang, ayoko nun malaman ang totoo na hindi ako trip ni crush, dahil pinipilit kong ipilit sa kanya na maganda ako at dapat maging pareho ang nararamdaman namin sa isa’t isa.  So to make long story short, it took me a while to read his book. Only until nung napa-nood ko yung movie na pinag-bidahan nina Kim Chui at Papa Xian Lim na na-isipan kong basahin ang libro.

So ano ang mala-na-isampal sa akin na katotohanan? HINDI AKO CRUSH NI CRUSH dahil sa mga rason na ito:

1. Hindi ako maganda sa paningin nya. (Fine, panget na kung panget!)
2. Wala ako sa radar nya.
3. Masyado akong pa-twi-tams.
4. Malayo na kami sa isa’t isa (nasa Cebu na ako, nasa Manila sya)
5. Pogi sya, baka pogi din type nya. Alams na!
6. Hindi nya ako type. Yun lang yun. Wag na akong bitteralla!

At sa kung anong mahika meron ang librong ito natanggap ko lahat ng posibleng rason kung bakit di ako crush ng crush ko. At sa tingin ko, mas magiging mabilis ang pag-momove-on ko ngayong may natutunan na akong bago. Diba, hayskul lang ang peg. Akala mo kung sinong teenager e.

Yep, 22 na po si ako. Peru wala tayong magagawa, ang katulad kong NBSB (no boyfriend since birth) ay mala-grade 1 lang sa usapang pag-ibig o relasyon. Peru proud ako. Kahit never pa akong naging crush ng mga naging crush ko, masaya pa din naman ako. Peru aaminin ko, minsan talaga at hindi naman siguro ma-iiwasan na paminsan-minsan ma-iinggit ka o mapapa-isip.

Isa din sa mga natuklasan ko ay ang standards ko pag-dating sa boylet. Masyadong mataas yata ang standards ko at masyadong mababa ako sa paningin ng mga crush ko. At ang tanong, meron ba akong na-isip gawin para i-lower ang standards na iteyh? Pinag-iisipan ko pa. Napaka-random ko kasi. Kahit sinong good looking- bakla man o tomboy, ok lang sa akin. No chika added. Mabilis akong ma-fall sa mga good looking. Although, looks does not really matter. Mas maganda padin yung mas pogi ang kalooban na minsan ma-lalaman lang natin pag-nagka-chance na tayong mapalapit kay crush.

So ang tanong, pano nga ba makaka-move on from wasak na puso because na-supalpal ka ni crush?

Easy, isipin mo nalang papa-nget din sya pag-naka-hanap ka ng mas pogi sa kanya! hahaha!

Basahin mo yung libro at try mo din i-apply ang techniques ni Master Monra. Hindi lang din naman pag-momove on ang matututunan mo sa librong ito. Kung currently medyo ok kayo ni crush, malalaman mo din kung pano mo sya mapapa-amin (na crush ka din nya, ayii!!!) at kung pano mo malalaman ang estado nyong dalawa.

Kung crush man ni crush, aba’y mag-pa-fireworks tayo! Peru kung hindi, ayos lang. Pag-aralan ang Modular Life System. Isang napaka-malaking tulong ang sistemang ito para di mawasak ang buong mundo mo kahit ma- broken heart ka pa ng paulit-ulit.

Sa ngayon, proud ako na buo ang araw ko kahit di ko sya nakikita o na-iisip. At matagal na panahon narin since nung last post ko sa not-so-secret blog ko specially dedicated to my dear crush. Hindi ko sya in-unfriend sa fb. Sayang naman at who knows, isang araw, pag-sisihan nyang di sya nag-reply sa message ko nung birthday nya. 😉

signature v2
Cover Photo: www.crunchyroll.com

Advertisements