Writing Attempts

Dear Alex, Break na kami. Paano? Love, Catherine

Maging gaano man ka-saya at ka-sarap ang maging single, hindi biro at mas lalong hindi madali ang singlehood, lalo na kung galing kang break up o na-heartbroken ka.

Matagal na akong single at minsan feeling ko, living proof ako ng SSB (Single Since Birth) at NBSB (No Boyfriend Since Birth). Pero minsan naman, napapa-isip ako; hindi naman sa ganun ang status ko ever since. Ang OA naman nun! May times lalo na nung highschool ako na atat ako magka-boyfriend kaya nakiki-pag-date ako nang di alam ng parents ko. I also had a boyfriend once after graduating college. Although, hindi naman syang matatawag na ganun. I-kwekwento ko sya sa susunod na post. J

Just like Catherine and any other girls out there, I’m also hopeless romantic. Pag-may tipo akong lalake, nag-fa-fast forward ang imahinasyon ko. Yung tipong, kahit getting-to-know stage palang kami, agad-agad engagement at marriage ang umaandar sa utak ko. Although, hindi naman talaga ako nag-mamadali. Sadyang ganun lang talaga siguro ang mga hopeless romantic. Kasi we’re in-love with the thought of being in-love.

Nung una kong nakita ang libro ni Alex, ang sabi ko: hindi ko pa kailangan ‘to. Kasi nga naka-limutan ko na lahat ng mga heartaches ko. Ang tagal ko nang single at naka-pag-move on. Pero nung umuwi yung kapatid ko galing trabaho dala-dala ang librong ‘to, na-curious ako. Wala akong masyadong alam sa pinag-dadaanan nya, kaya na-curioius ako, kasi nga nag-assume ako na for brokenhearted lang ang libro. So, binasa ko.

Then, it finally occurred to me na; Yes. Ka-kailanaganin ko ang librong ito. It’s better to be ready than sorry! Pero at the same time, na-alala ko yung mga times na heartbroken din ako. Yung mga araw na feeling ko worthless ako kasi mas pinili ni guy yung ibang babae. Yung time na sinakrepisyo ko yung friendship namin ni guy para sa wala.  Yung mga times na ako ang reyna ng ka-tangahan at ng mga ka-awa-awa.

Dapat pala may gan’tong libro akong nabasa nung nag-mo-move on ako. Pero siguro, sa ngayon, mas mabilis nga ma-realize ang mga bagay-bagay kasi I’ve moved on completely and happily. Nakaka-takot lang talaga minsan na bumalik ulet at maka-gawa ng parehong mali. Kaya siguro, mas na-pili kong hayaan si Lord sa gusto nyang mangyari, rather than taking everything into my hands. Which later did I realize a good thing.

Sa ngayon, masasabi kong I’m wiser than before, pero minsan pag-may gwapo1 akong nakikita, parang ang sarap ulet magpaka-tanga. Kailangan ko pang pagalitan ang sarili ko bago ako mahimasmasan sa kung anong ka-baliwan na naman ang ini-isip ko.  Na-isip ko tuloy, kailangan kong bumuli ng kopya ng libro ng sariling akin, dahil ka-kailanganin ko sya in the future.

Ang tanging masasabi ko lang ngayon, Salamat Alex! I am totally speechless with how great the book is! At sana mas mag-tuloy-tuloy ang pagiging masaya ni Catherine! Salamat sa pag-share ng story nyo.

Xoxo

 

  1. Gwapo- sa paningin ko. Hahaha!
Advertisements

1 thought on “Dear Alex, Break na kami. Paano? Love, Catherine”

Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s